sa kaibuturan ng aking puso
matagal-tagal na rin akong hindi nakakapaglagay dito ng makabuluhang bagay-bagay. araw araw, sa paggising ko naiisip ko na maglagay dito subalit napangungunahan ako ng katamaran. katamaran... na batay sa aking karanasan, ay mahirap kalaban (isa sa makakapagbigay testamento dito ay ang aking hanep na katsokaran na si dorothy). dati akala ko may matinding depression na ako. tipong mababaliw na ako dahil kahit pagtayo eh ayokong gawin. lumala pa ito nang nag-search ako sa internet tungkol sa depression at nalaman ko ang mga sintomas na napansin ko ay sumakto sa mga nararanasan ko. hanep! na-diagnose ko na may depression ako. ang depression ayon sa aking nanay ay sakit ng mayayaman. naks! mayaman na ako. hmm... pwede, pwede. mga ilang araw ako inaatake ng "depression". usually kapag may mga pending na mga gawain na medio matagal-tagal pa naman ang deadline. nagkaka-"depression" din ako pag naiisip ko na sobrang dami kong dapat gawin... tipong lahat due the next day. ngunit pakiwari ko, dahil sa mahaba-habang pagninilay-nilay, hindi yun "depression'... inatake ako ng matinding katamaran. mahirap man tanggapin... ngunit lubhang katotohanan ito. ayoko mang matawag na "tamad"... pero ano pa ba ang tawag sa taong inaatake ng 'katamaran' di ba...?
at ngayon, sa matinding pag-amin na ito, na ikaw mambabasa ang witness, kalakip ang pagnanais kong magbago. ayoko nang maging tamad. walang nadudulot na maganda ito. nakakalungkot ang katamaran at mas lalo kang tinatamad habang dumadaan ang mga araw na pahiga-higa ka lang. para itong matinding bisyo. mahirap malulong dito. tsk tsk tsk...
di na ako magiging tamad! at ang unang katibayan nito ay ang entry na to.
.............
.............
bale, yun lang ang gusto kong sabihin... sige, tulog muna ako.... bukas na lang siguro yung karugtong....

0 Comments:
Post a Comment
<< Home