My Photo
Name:
Location: Pasig, Philippines

I am as unique and unrepeatable as you.

Friday, July 15, 2005

hinga

Ang saya... Natapos ko na yung ipopost ko ngayong gabi dito. Ok na at na-edit na. Huminga ako nang malalim dahil natutuwa ako sa nagawa ko. Inisip ko mamaya ko na lang ipopost kasi madami pa namang oras. Ayun.. nagpipipindot muna ako ng kung anek-anek. At nang makita ko... poof... wala na ang sinulat ko. Di ko na maretrieve. Pano nawala? Pindot nga ako ng pindot... Di ko maintindihan kung ano ba yung pinindot ko bago yun nawala. Kaya huminga na lang ako. Life goes on...
Wala akong masyadong masabi dahil ang dami kong nasa isip. Getz? Ganun kasi ako... isip nang isip wala nang nasasabi.
*** Random thoughts lang:
-Kung tatanungin ako ngayon kung masaya na ba ako sagot ko hindi pa rin. Bakit? Hindi ko alam... pag nalaman ko ilalagay ko agad dito.
-Ang sakit pa rin ng likod ko pag nakaupo ako.
-Pag binuksan ang puso ko ngayon at maaring makita ang emosyon malamang makikita nila takot at pag-asa
-Pano mo malalaman kung di mo na talaga mahal ang isang tao? Kapag di mo na sya iniisip? Kapag matagal na kayong di nag-uusap? Kapag inaalala mo sya at ang lumalabas madalas sa isip mo eh yung nagawa nya sa'yong mali?
Eh pano kung papipiliin ka kung sino ang gusto mong makasama nang matagalan at ang isasagot mo eh sya... mahal mo pa rin ba sya? O ginagawa mo lang syang panangga sa mga taong posibleng saktan ka? Hindi ka na kasi nya pwedeng saktan dahil malayo na sya at hindi mo pahihintulutang gawin nya ulit yun. Isa lang ba syang ilusyong pinipilit mong tanggapin dahil sa takot na masaktan ulit o katotohanang hindi mo maamin?

3 Comments:

Blogger yomz said...

ayan. nakapasok din ako sa comments page. hmm... ano ba sasabihin ko. aah... ang lalim. yun lang.

end of post.

12:22 AM  
Blogger karlatots said...

Ngayon naiintindihan mo na toh noh... Di sya malalim... Magulo lang.

9:12 PM  
Blogger yomz said...

medyo naiintidihan ko na. sabi mo eh. pero wag ka malungkot. ibibili na lang kita ng lobo at kendi. hehehe. :) smile

10:30 PM  

Post a Comment

<< Home