gupit etc.
Got a haircut today (I think I can hear Macy saying "sa wakas!!!"). Went to our "suki" haircutter - the ever mysterious Egay (o di ba pangalan pa lang alam mo nang lalaking lalaki sya... hihi) - sa Ricky Reyes sa Sta. Lucia Mall. Sobrang desidido na talaga kong magpagupit kasi I'm not feeling happy with my hair. Khet na sino pang tanungin ko eh ok na daw yung hair ko... ewan ko ba para kasing hindi ako. So ayun... hataw... sabi ko kay Ms.-slash-Mr. Egay na I want my hair to be shorter but the style and length should still fit my pentagon head. Ayun todo cut sya there and cut sya here and cut sya everywhere. Medio natakot pa nga ako honestly kasi tahimik sya at parang sinasapian...nakatingin lang sya sa buhok ko at parang kinakaskas nya yung buhok ko ng kung ano mang instrumento... gusto ko na ngang ipikit yung mga mata ko pero natatakot naman ako kasi baka pagbukas ng mata ko magulat ako sa makikita ko. Kaya ayun tinitigan ko na lang ang buhok kong parang nalalagas sa mga kamay ni Egay. Natapos na ang haircut mukha naman syang masaya sa nagawa nya. Ako... di ko alam ang feeling ko. Ilang beses na rin kasing nagsuffer ang buhok ko sa mga morbid na hairstyles (yung tipong sandamakmak na katao ang nagsabi sa'kin na papatayin nila ang gumupit sa'kin... at di naman ako ganoong kadense para di ko magetz di ba) kaya intindihin mo na lang ang takot ko kapag nagpapagupit... bah... di ko pa ata trip magpeluka. Di ko alam kung ok ba sya o hindi kasi iniwan nya akong basa ang buhok. Ayun medio after ten years may lumapit na rin na magboblower sa'kin. At... tada... una kong naisip: "Ang gwapo ko pala!" Pano ba naman yung hati ko gitnang gitna para akong miyembro ng da gwapings. Pagkatapos kong ayusin ng konti... hmmm... ok naman pala at di gaanong maikli. I was satisfied. Kwento ko lang... di ko makalimutan dati, pagkatapos ng gupit ko (hindi si Egay ang manggugupit ko dati I will just call my ex-hairdresser/haircutter "nameless". Etong si nameless, kaya hindi ako tumagal kasi napapansin ko kapag super busy sya medio nalilimutan nyang maging hygienic... hindi ako humihinga kapag masyado syang dumidikit. Di ko kaya... sorry pero di talaga... pero pag di naman "peak season" ok naman ang kanyang smell.. yun na nga lang madalas di kami nagkakatugma ng schedule medio palagiang "peak season" akong nagpapagupit.) ayun... balik tayo sa gupit ko... Todo gulat ang naranasan ko nung nakita ko yung gupit ko. Nanlumo ako dhel mukha akong.... malaking mansanas! Ang laki nung tuktok ko tapos todo tapyas yung ibaba ng aking kawawang buhok. Tsk tsk yan ang nangyayari kapag basa nang basa ng magazine at buong loob na binibigay ang pagtitiwala sa manggugupit. Kaya ayun... sige tanggap na lang... pagnainis ako di naman tutubo yung buhok ko. Hinga ng malalim... hinga ulit... wala akong nagawa kundi huminga.
At least ngayon masaya naman ako sa resulta. Aprub! Ewan ko lang bukas... pag nakita na ako ng aking katsokaran kung ok sa kanila. Di naman ako crowd pleaser pero syempre ayoko naman yung na-uumay sila pag nakikita nila ako.
Ang dami kong gustong sabihin pero ang bagal kong magtype kaya lumipas na ang benteng ideya wala pa rin akong natatayp. Hay buhay...
Naisip ko nga din pala yung "love life" ko kanina. Sumakit yung ulo ko kasi hanggang ngayon di ko pa rin alam ang gusto ko. Ika nga ni Rish I'm looking for the "perfect man" yung tipong drinowing. Hindi naman ako makakakita ng ganon at alam na alam ko yun. Pero kung hindi "perfect" ano ba talaga ang gusto ko?
Sa pagkakaalam ko simple lang naman ako... gusto ko ng mabait, may sense (mas astig kung matalino), devout Catholic, may tiwala sa sarili (wag lang presko at mahangin), magalang, marunong sa buhay at masarap kausap (bonus na yung mahilig magpatawa... para kasi akong nadodroga kapag tawa nang tawa. Actually di na ko kailangang turukan ng kung anu-ano pa para ma-high, 10 mins. lang ng tuloy-tuloy na tawa high na high na ako). Physically, basta presentable naman yung itsura (di ko trip yung masyadong gwapo kasi takot kong mapagkamalang yaya tsaka ayoko ding maraming kaaway... ok na sa'kin yung konti lang), tapos mas matangkad sa'kin (di mahirap yun kasi di naman ako masyadong mataas) at maganda yung mata o kaya ngiti.
Ok tong mga sinabi ko... dumadating na lang yung problema kapag may nakilala na akong guy tapos may parang "fine print" pa pala yung mga nagawa kong "qualifications" na pati ako hindi aware. I start looking for faults and once I see a handful... I just turn around and run.
Ang goal ko sana ngayon, kung bibigyan ako ng opportunity ni God, hindi na ako magiging fault-finding machine and I would finally stay a little longer o kung swertehin for a very very long time.
Ayun... ok na toh... bukas naman.

1 Comments:
uy nagpagupit na siya.
interesting talaga tong mga entries mo. :)
Post a Comment
<< Home