My Photo
Name:
Location: Pasig, Philippines

I am as unique and unrepeatable as you.

Tuesday, July 05, 2005

buhay buhay

(yawn!) Antok na naman ako... sarap kasi matulog eh pano ba naman ang lamig. Sarap... naiisip ko na ngayon pa lang. Ok... gising muna ako gawin ko muna toh.
Ayun... di ko pa napapanood yung pinahiram ni Timothy na dvd. Maiiyak daw ako. Sana nga... matagal-tagal na rin pala akong hindi umiiyak. (nyerk dramatic) Pro sa totoo lang, matagal-tagal na rin palang deprived ang mga mata ko sa luha except na lang yung pag sobrang tawa at naluluha ako. Bukod dito wala na masyadong nakakapagpaiyak sa'kin. Di naman din kasi mababaw ang luha ko. Di ako pinanganak na iyakin. Tahimik daw ako nung baby ako. Di umiiyak kaya natatakot na nga silang baka di na rin ako humihinga. Pro nakasurvive naman ako nang ganon ang lifestyle ko. Para sa'kin kasi dati sign ng weakness ang pag-iyak. Parang pag umiyak ka... patay na... para na ring winagayway mo yung puting bandila mo. Kaya tahimik na lang ako. Tumulo man luha ko dati pinipilit kong ibalik sa mata ko o kaya pinipigilan ko ng todo kasi ayokong ipakita na natalo nila ako. Medio weird akong bata pro ganon talaga.
Pro syempre di naman maiiwasan yung mga instances na mapapaiyak ka talaga. Marami ako nyan nung lumaki na ako. Umiyak ako sa harap ng mga kaklase ko. Pano ba naman ginawa akong mediator ng teacher ko (na lubos na naghihimutok sa ugali ng klase nya) tsaka mga kaklase ko. Alanganin na posisyon = pressure = dahan-dahang pagkawasak ng lakas ko. Mala-kryptonite yan ni Supreman. Pag napepressure ako, naluluha ako. Ewan ko ba kung kailan ako tumanda dun naman ako naging iyakin. Humagulgol na rin ako sa mga kaibigan ko. Ang sarap nung feeling nun kasi dun ko naramdaman na talagang alalang-alala sila sa'kin tsaka gusto talaga nilang pagaanin yung loob ko. Hay...
Buwan na rin ang lumipas na hindi ako umiiyak. Tingin ko din tama na toh kasi sobra sobra na rin namang luha yung lumabas sa mga mata ko. Kala ko nga nun di na ako titigil umiyak eh. Para sa'kin kasi, hanggang masakit pa sa loob kailangan mong ilabas. Mas ok na toh kaysa naman magka-depression pa ko di ba.
Pro nung mga panahong umiiyak ako dun ko napatunayan na pag umiiyak ka pala hindi ibig sabihin nun na mahina ka o talunan. Paraan lang yun para hindi ka na iiyak sa susunod. Natuto ka na eh... mas matatag ka na. Pro pag trip mo pa rin talagang umiyak sa parehong rason at hirap ka talagang matuto, ganyan talaga ang buhay. Kaya nga tayo nilagay sa mundong ito eh... para matuto (khet taon pa ang bilangin para matutunan lang ang isang aspeto ng buhay). Imposible namang nandito ka sa mundo para magbuhay bato... isa kang malaking buhay na bato. Mahirap ata yun. Kaya nagpapasalmat ako kasi binigyan tayo ng pagkakataon na makaramdam. Kung hindi... pano mo lubos na maiintindihan ang mga bagay-bagay. Hindi naman pwedeng lahat iniisip mo lang o iniintindi... minsan, kailangan mo ding pumikit at makiramdam. Ngayon di na ako gaanong umiiyak di dahil nagpapakabato ako pero dahil kaya ko nang tumayo at magpatuloy kahit na madapa ako.
Ok tama na muna toh... baka ikaw naman ang maiyak. Bakit ba kasi ako nagsimula nang malungkot?
***
Kaninang umaga inis na inis talaga ako. Pero naisip ko na pagdadasal ko na lang sya. Ayoko ng feeling na naiinis. Nakakasira ng araw.
Inaantok na ako... Bukas naman.

1 Comments:

Blogger yomz said...

hmm... masayang umiyak. lalo na pag hindi patay ang iniiyakan mo. well, in a guy's point of view, or kahit sa akin lang with some of my friends, para sa amin, "boys don't cry, men do." crying is a sign of maturity, and sensitivity. basta wag naman ung extreme na makakita ka lang ng sunset iiyak na. hehe

alam ko bakit sira araw mo, actually, araw ng grupo nyo. wag mo na lang isipin yun. manood ka na lang ng movie.

5:42 AM  

Post a Comment

<< Home